Samgyupsal | |
Hangul | 고기구이 |
---|---|
Binagong Romanisasyon | gogigui |
McCune–Reischauer | kogikui |
Ang Koreanong barbikyu (Koreano: 고기구이, gogi-gui, 'karneng inihaw'), o mas kilala rin bilang samgyupsal o samgyup sa Pilipinas,[1] ay tumutukoy sa sikat na paraan sa lutuing Koreano ng pag-iihaw ng karne, karaniwang baka, baboy, o manok. Madalas inihahanda ang mga nasabing putahe sa mga ihawang de-gas o de-uling na nakakabit sa hapag-kainan mismo. Kapag walang nakakabit na ihawan sa restoran, binibigyan ang mga mamimili ng bitbiting kalan para magamit ng mga nagsisikain sa lamesa. O kaya, may kusinerong nag-iihaw sa gitna ng restoran upang ihanda ang mga inorder.
Bulgogi ang pinakakinakatawang uri ng gogi-gui na kadalasang gawa sa maninipis na hiwa ng timpladong tapadera o solomilyo ng baka. Isa pang sikat na uri ang galbi na gawa sa timpladong tagiliran ng baka.[2] Gayunpaman, kabilang din sa gogi-gui ang iba pang mga uri ng timpladong at di-timpladong karne, at maaaring hatiin sa mga iba't ibang kategorya. Sikat ang Koreanong barbikyu sa inang bayan nito, ngunit sumikat din ito sa buong mundo dahil sa Hallyu, isang termino na naglalarawan sa pagsikat ng kulturang Koreano noong d. 1990 at d. 2000.[3]
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)